lady checking paper

Financial Habits na Kailangang Simulan

Alamin ang mga financial habits na kailangan mong simulan ngayong taon.

Hinggil sa kaalaman ng marami, mas malaki ang impact ng everyday habits natin sa ating financial status, kumpara sa laki ng kinikita buwan-buwan. Mas mahirap mag-break ng bad habit habang lumilipas ang panahon. Kaya naman ngayon palang ay dapat mag-develop na ng healthy financial habits na dapat sundan araw-araw.

Hindi man madali, kung parating ipaaalala sa sarili na sundin, ay posible! Tandaan, ikaw dapat ang may control sa iyong finances. Hindi ang iyong finances ang nagko-control sa’yo!

Bantayan ang income at gastos

Paulit-ulit nating naririnig na importante ang mag-budget. Hindi ito exaggeration. Kapag alam mo kung saan nanggagaling at napupunta ang iyong income, mas madaling ma-manage ito. Lalo pa kung may goals kong tulad ng pagbili ng sariling kotse o bahay, bayaran ang mga utang, makapagtravel, etc. Kapag na-develop mo na ang habit ng pagba-budget, mas madali nang maaabot ang iyong financial goals.

Kung hindi alam paano ito sisimulan, gumamit ng budgetting app para automated at mas madaling i-track.

Live within your means

Ito ang tinuturing na foundation ng lahat ng healthy financial habits na kailangang masundan. Simple lamang ito pero kinakailangan ng self-discipline. Maging totoo sa sarili at i-manage ang gastusin ayon sa income. Tandaan na importanteng isama ang savings sa equation.

Magkano man ang iyong kinikita, ilaan ang 50% sa mga pangagailangan, 30% sa mga extrang gastusin, at ang natitirang 20% sa savings. Siguraduhing hindi lalagpas sa income ang gastusin, at maglaan para sa ipon.

Alamin ang iyong financial goals

Malaking bagay ang pagkakaroon ng financial goals para ma-motivate na hindi lumihis sa iyong good financial habits. Hindi kailangang magarbo ang mga ito, ang kailangan laman ay maging determinado na pag-ipunan ang mga ito. At sa bawat goal na iyong makamit, mas magkakaroon ka ng motivation na pagpatuloy ang mabubuting financial habits para maabot din ang iba at mas malalaking goals.

Simulan ito sa paglista ng mga goals, at pag-prioritize sa mga pangangailangan.

Develop ang iyong financial IQ

Hindi madaling makamit ang financial education. At hindi rin ito isang bagay na kapag natutunan mo na, ay pwede ka nang tumigil. Sanayin ang sarili na magbasa ng iba’t iban articles at content tungkol sa personal finance, savings, budgeting, investing para malaman kung paano ba talaga umiikot ang pera.

Kapag may kaalaman sa finances, mas madali ang pagpapalago ng savings. Malaki rin ang maitutulong ng pakikipagusap sa pinagkakatiwalaang financial adviser. Para masigurong tama ang mga financial decisions na iyong gagawin, lalo na para sa malalaking transactions.

Magbayad on time

Kung kaya naman ng iyong income, ugaliing piliing magbayad on time parati. Sa iyong mga loans, credit card bills, electricity and water bills, at iba pa. Ito ay para maka-develop ng magandang credit history na makakatulong sa’yo in the long run. Isa pa’y maiiwasan ang late fees at interes na madalas kalakip ng payments in installment.

Disiplina ang pinaka-importante sa pagsimula nitong mga healthy financial habits na ito. Kaya naman parating isipin ang iyong end goal, kung bakit ka nag-iipon at nagnanais na maging financially independent, upang manatiling inspired to keep your eyes on the price.

FINANCIAL ADVICE
FINANCIAL TIPS
PERSONAL FINANCE