10 Best Smartphones Below P10,000

Ready nang mag-upgrade ng smartphone pero gusto parin makasiguradong sulit ang bibilhin? Alamin ang 10 best smartphones na within P10,000!

Gustong makasigurado na makuha ang best out of smartphones nang hindi lumalagpas sa praktikal na budget? Kapag gadgets tulad ng smartphones ang usapan, importanteng pairalin ang pagka-praktikal dahil ang upgrades ng mga modelo ay nagaganap naman halos taon-taon. Kaya heto ang 10 smartphones na maaaring mabili for P10,000 or below.

1. Huawei Y7 Pro

Hindi man perfect ang Huawei Y7 Pro, sulit naman ito sa selling price na P7,710 dahil sa battery life nitong mas mahaba kompara sa ibang nasa same range nito. Mayroon rin itong dual-camera set-up — 13MP + LED flash sa main camera at 16MP na front camera. Pwede kang pumili sa dalawang color variants na Aurora Blue at Midnight Black.

2. Oppo A5

Kung hanap mo ay bigger memory na under P10,000, Oppo A5 ang smartphone na para sa iyo. Sa halagang P7,700 makakakuha na ng dual-camera set-up na may 13MP sa main camera at 8MP sa front camera. Pwedeng-pwede ring mas pagandahin pa and selfies mo with its AI Beauty 2.0.

3. Samsung Galaxy J8

For only P7,900 maaari mo nang mabili ang Samsung Galaxy J8 na may processional dual-camera system, magandang night camera, at 6-inch edge-to-edge HD+ screen. Mayroon na rin itong fingerprint at facial recognition authentication. Kung gusto mo ring mag-multi-task, may Multi Window feature ang smartphone na ito!

4. Oppo A7

Kasama rin sa Oppo A series ang Oppo A7 na may Corning Gorilla Glass protective layer na nagbibigay ng resistance sa scratches. Malaki rin and battery capacity nito at may 13MP main camera at 16MP front camera, at fingerprint sensor. Maaari ring pumili sa mga colors na Glazing Blue, Dazzling Gold, at Rose Pink for only P7,990.

5. Samsung Galaxy M20

Ang Samsung Galaxy M20 ay may display resolution na 1080 x 2340 pixels at may expandable memory hanggang 32GB o 64GB. Sophisticated rin ang cameras nito na 13MP sa main camera at 8MP sa front camera na kayang magrecord ng videos in HD. Fast-charging rin ang smartphone na ito at mabibili for around P8,500 lamang.

6. Vivo V9

Kung mas advanced na budget smartphone naman ang hanap mo, and Vivo V9 ang para sa iyo. For only P8,999 mayroon ka nang 64GB internal memory storage, 6.3inch LCD with a resolution of 1080 x 2280 pixels, 16MP main camera at 24MP front camera.

7. Honor 8X

Mula sa sub-brand ng Huawei, ang Honor 8X ay may LCD display resolution na 1080 x 2340 pixels. Maliban doon, 20MP ang main camera nito na may wide angle. Ang selfie camera rin nito ay maipagmamayabang dahil ito’y nasa 16MP. Get it for only P9600.

8. Huawei Y9

Tulad ng ibang smartphones sa price range na ito, may 13MP main camera sensor at 16MP front camera rin and Huawei Y9. Ang kaibahan ay mayroon na itong LED flash at face unlock technology. Fast charging rin at maganda ang specs ng graphics kaya sulit na sulit for its price na P9,675.

9. Samsung Galaxy J6

Kung expertise ng Samsung ang hinahanap mo sa smartphone, piliin na ang Samsung Galaxy J6. Mayroon itong Super AMOLED 720p display, fingerprint sensor, 13MP main camera at 8MP front camera, at 32GB internal storage. Maaari ka ring gumamit ng dalawang sim card dahil sa dual nano-SIM card slot nito. All these para lamang sa halagang P9,986.

10. ASUS ZenFone Max Pro

Kung gamer ka naman o mahilig mag-stream ng movie o series, magugustuhan mo ang 5,000mAh battery ng ASUS ZenFone Max Pro. AI-powered ang Sony cameras nito na nakakatulong makakuha ng magagandang photos umaga man o gabi. Ang retail price nito ay P9,995.

Maraming options kahit within budget ka! Kaya alamin ang pinaka-importanteng specs para sa’yo at gawing basehan sa pagpili ng smartphone na para sa’yo. Maigi na ring gumamit ng credit card <https://www.robinsonsbank.com.ph/products-and-services/cards> sa pag-bili ng smartphone na napili para kontrolado ang payment terms na swak sa budget at financial status mo. Pagpilian ang Robinsons Cashback na ginawang mas rewarding ang shopping o ang Robinsons Bank Dos Mastercard na ginawang posible ang automatic 2-month instalment payments!

Ano pang hinihintay mo? Grab the smartphone for you!

GOALS
INVESTMENTS
SMARTPHONES