Walang makakapagsabi kung magiging successful ang isang negosyo kahit gaano pa kaganda o ka-trendy ang business idea ng isang entrepreneur. Hindi rin ang capital o ang dami ng produkto o services ang nag-e-ensure na magiging malago ang iyong negosyo.
Pero kahit risky ito, pwede ka namang makasiguro na ang risk na ito ay calculated at smart para ma-minimize ang posibleng negative outcomes as much as possible. At para magawa ito, sundin ang mga tips na ito para mas madaling mapalago ang iyong negosyo.
1. Innovative Idea
Una sa lahat, kailangang mag-decide kung ang i-o-offer mo sa market ay bago o fresh idea, o basta’y fresh take on an already successful business idea. Kung yung unang option ang napili mo, think of a plan kung paano mag-sa-stand out ang iyong business. At the same time, kung anong produkto o serbisyo ang makakapag-provide ng solusyon sa timely problems ng iyong target market.
2. Defined Business Plan
Kapag nakapag-decide na kung anong business idea ang papasukin mo, ang next step ay mag-research tungkol sa market, kanilang mga needs, at possible suppliers at competitors. Matapos mag-research, gumawa ng business plan na magsisilbing blue print ng iyong negosyo mula sa establishment nito hanggang sa bawat step ng business growth. Maaari kang magsimula sa one-page business plan by answering these questions:
-
- What is your vision? – Anong goal mo para sa iyong negosyo?
- What is your mission? – Anong rason kung bakit kailangan ng market ang iyong negosyo?
- What are your objectives? – Anong steps ang kailangan mong i-take para makamit ang iyong mission at vision?
- What is your simple action plan? – Bullet out the simpler steps you need take para makamit ang short-term at long-term objectives.
3. Financial Plan
Kahit hindi man malaki ang negosyo na gusto mong simulan, kailangan mo parin ng capital para sa equipment, tools, at suppliers. Para masimulan ‘to, importanteng i-lista ang posibleng expenses na kakailanganin. Makakabuti ring mag-explore ng iba’t ibang loans na makakatulong sa finances ng iyong negosyo tulad ng Operating Capital Solutions https://www.robinsonsbank.com.ph/products-and-services/loans/operating-capital-solutions loan na nag-o-offer ng funding para sa everyday transactions ng iyong negosyo.
4. Online Presence
Malaki ang matitipid mo sa marketing finances by going digital. Siguraduhing malakas ang iyong social media presence by setting up social media accounts for your brand. Makakatulong rin ang pag-set up ng sariling website para mas madaling maging visible sa iyong target market. Sa panahon ngayon, kailangan mayroon ka na ring presence sa digital world para mas makilala at mas malawak na market ang maabot.
Hindi sapat ang capital o business idea lang sa pagtaguyod ng successful business. Laging sisimulan ang business moves mo with proper research and these 4 tips!