Beginner’s Guide sa Iba’t Ibang Klase ng Loans

Abutin ang financial goals mo sa tulong ng tamang loan. Alamin ang iba’t ibang klase ng loans na maaari mong gamitin.

Maraming dahilan ang maaaring maghikayat sa’yo para mag-apply para sa isang pautangan o loan. Dahil dito, marami na rin ang mga nagpapautang o lenders na nagbibigay ng iba’t ibang klase ng mga loan na swak sa needs ng hihiram o borrower. Ang halaga ng loan at interes na kasama nito ay nakadepende sa kita, credit, at debt history ng kliyente.

Bago kumuha ng loan, mahalagang mag-research tungkol dito para mahanap ang uri ng loan na talagang makakasagot sa iyong mga pangangailangan, pati na rin sa financial status mo.

Ano nga ba ang iba’t ibang klase ng mga loan at paano nga ba sila nagkakaiba? Alamin dito:

Secured Loans

Ang secured loan ay isang uri ng loan kung saan ang borrower ay nangangailangang magbigay ng payment security o collateral. Kung sakaling hindi na kayang bayaran ng borrower ang loan na ito, pwedeng kunin ng lender ang asset ng borrower bilang kabayaran. At dahil may collateral, mas mababa ang risk na hindi mababayaran ng borrower ang loan kaya mas mababa rin ang interes.

Uri ng Secured Loan:

Kahulugan

Advantages

By Deposit

Sa pagkakataong hindi na mabayaran ang loan, may kapangyarihan ang bangko na gamitin ang savings account ng borrower upang mabayaran ang natitirang halaga na hindi pa nababayaran

Mas mababa ang interest rates at mas convenient ang payment terms (e.g. auto debit payments).

By Property

Pinapayagan ang borrowers na gamitin ang kanilang mga ari-arian, gaya ng lupa at sasakyan, bilang collateral

Mas maganda ang rates lalo na kung mataas ang value ng mga ari-arian

By Employer

Ito ay kadalasang para sa mga empleyado ng mga kumpanya na may kaugnayan sa bangko

Madali ang paraan ng pagbayad dahil ito ay binabawas na agad sa kita ng empleyado

Unsecured Loans

Ang unsecured loan ay pangkaraniwan at hindi nangangailangan ng collateral. Itong uri ng loan na ito ay mapanganib para sa mga lenders dahil mas malaki ang chance na hindi maibalik sa lender ang hiniram na halaga kung sakaling hindi na ito mabayaran ng borrower. Dahil dito, mas maths ang interest rate na nakapataw dito.

Uri ng Unsecured Loan:

Kahulugan

Advantages

Disadvantages

Standard

Pinaka-madalas na ina-avail ng borrowers dahil sa customizable payment terms nito.

Ang paraan ng pagbayad ay nakadepende sa financial status mo

Mas mataas na interest rate

By Revolving Credit Line

Ideal para sa mga borrowers na kailangan ng ongoing line of credit

Binibigyan ang borrower ng access sa credit line na pwedeng gamitin ayon sa pangangailangan

Pabago-bagong interest rate, base sa hiniram na halaga sa bawat transaksiyon

Tandaan, bago mag-decide kung anong loan ang pipiliin, importanteng i-assess ang sarili — para saan nga ba ang loan? Hanggang magkano ba ang kayang bayaran buwan-buwan? Hanggang kailan mo gusto at kaya magbayad? Anong klaseng loan nga ba ang tumpak sa iyong mga pangangailangan? At kung alin ang perfect sa needs mo.

Ang mga sagot mo sa mga tanong na ito ang magsisilbing gabay para sa pagkuha ng tamang loan.

DEBT
FINANCIAL GOALS
FINANCIAL MILESTONES
INVESTMENT TERMS
LOAN GUIDE
LOANS
UTANG