Financial Check-up: Naging Maayos Ba Ang Finances Mo Noong 2019?

Hayaang tulungan ka namin kung paano mag-conduct ng personal financial check-up nang malaman kung naging maayos ba ang iyong finances noong 2019.

Papasok na tayo sa Q2 ng taon. Pero nakasisiguro ka bang ang finances mo noon 2009 ay naging maayos? Bago natin simulan ang financial check-up na kailangan mong gawin, importanteng tandaan na lahat ng financial decisions and moves na iyong ginagawa ay may epekto sa finances mo in the long run. Kahit ilang buwan na ang nakalilipas mula noong 2019, malaki parin ang magiging parte nito sa financial status mo ngayong 2020.

Ang financial check-up ay makatutulong malaman kung nasaan ka na sa journey mo to financial independence. Malalaman mo kung nasa tamang landas ka parin ba, o may kinakailangan ka nang baguhin. Kung sakaling ika’y in debt, mas kinakailangan mag-conduct ng financial check-up upang malaman kung gaano kalaki ang pera na pumapasok at lumalabas. 

Goal Check

Ano ba ang financial goals mo by 2020? Balikan ang sinet mong goal noong simula ng 2019 at magpakatotoo sa pag-assess sa financial status mo ngayon. Nakamit mo ba ang mga ito? Kung hindi man, gaano ka na kalapit makamit ito?

Sakaling hindi mo nakamit ang iyong goals, importanteng malaman kung bakit ito nangyari. Na-overestimate mo ba ang iyong resources? May mga magastos na habits ka bang hindi mapakawalan? Nahihirapan ka ba mag-budget? O may na-encounter ka bang sitwasyon na mahirap noong 2019?

Emergency Fund Check

By this time, kailangan mayroon ka nang three months’ worth of expenses na naipon as your emergency fund. Lalo na sa pantheon ngayon, importante ang iyong emergency fund. Kung hindi ka pa umaabot dito, panahon pa para magtabi ng kaunting amount buwan buwan hanggang makumpleto mo ito.

HMO Check

Nagamit mo na ba ang health care services na kasama sa mga benepisyo mo bilang isang employee? Tandaan, kapag hindi ito nagamit sa loob ng isang buwan, nawawala nalang ito at hindi naiipon.

Hindi naman kailangang magkasakit upang magamit ito. Subukan mong magpa-check up lang para siguradong maganda ang kalusugan mo. Pwede ka ring pumunta sa therapist o sa dentist para magamit ito bago ang expiration date.

Stocks Check

Silipin ang stocks mo at alamin kung oras na ba para sumubok ng riskier investments. O baka naman under-performing na ang stocks mo at kailangan nang pumili ng safer options.

Sa panahong ito, dapat din ay nagiging mas diverse na ang portfolio mo, at humuhusay ka na rin bilang isang investor. Carefully and honestly assess yourself at ang iyong portfolio.

Debt Check

By the end of 2019, dapat ay nakabayad ka na ng signifact portion ng iyong debt and loans. Subalit, may chance parin na hindi ito nangyari. I-check ang sarili ngayong 2020 at alamin kung malaki na ba ang iyong nababayaran. Matapos gawin ito, gumawa muli ng payment plan para makasigurado na bago matapos ang 2020, nabayaran mo na ito.

Ang importante sa pag-conduct ng financial check-up na ito ay ang pagiging honest sa sarili. Kung hindi sigurado sa sarili mo, malaki ang matutulong ng paglapit sa financial advisor. Good luck, at sana’y mas successful ka financially ngayong 2020!

FINANCE TIPS
FINANCIAL ADVICE
FINANCIAL MILESTONES
FINANCIAL TRACKERS