Mag-ipon ay ‘di Biro! Pero Posible sa Tulong ng mga Tips na ‘to!

Sa tulong ng mga tips na ito, made-develop mo ang habit ng pag-iipon para maabot ang iyong financial goals!

Karamihan sa atin, maginhawa nga ang buhay ngayon pero sa tuwing may emergency na magaganap, hindi sila handa. Totoo nga naman na hindi madali ang mag-ipon lalo na kung hindi naman kalakihan ang kinikita araw-araw. Hindi lahat ay marunong o may oras mag-budget. Hindi rin lahat ay may maginhawang background.

Kaya naman para matulungan kayong magsimulang mag-ipon, naghanda kami ng tips na nadaling sundan at i-incorporate sa inyong everyday lifestyle.

70-20-10 Rule

Hindi maipagkakaila na ang 70-20-10 rule parin ang isa sa mga pinaka-effective na paran para makaipon. Importanteng nakaplano kung saan mapupunta ng sweldo mo buwan-buwan. 70% ng sneldo ay para sa necessities o mga pangagailan, 20% ang ilalagay sa iyong savings, at ang natitirang 10% ay para sa ibang mga gastusin o para sa mga wants mo.

Pwede mo ring i-maximize ang iyong 20% at ilagay ito sa investments.

Automatic Savings

Kung wala kang tiwala sa sarili mo na makakapag-ipon ka willingly, maaari ka ring humingi ng tulong mula sa HR ng iyong trabaho. Tanungin sila kung may option na automatic na deducted o ibabawas ang 20% ng iyong sweldo para itabi sa savings mo.

Kung hindi pwede sa HR, maaaring lumapit sa bangko mo upang mag-inquire kung mayroon ba slang Automatic Savings plan na ino-offer.

24 Hour Rule

Minsan talaga’y mahirap iwasan ang temptation na gumastos para sa luho o luxury. Ang pinaka-effective way para ma-control ito ay gamut ang delayed gratification strategy. Maghintay ng 24 oras bago bilhin ang bagay na ito. Sa panahon ng paghihintay, may oras ka para isipin kung kailangan o gusto mo ba talaga ito.

Spare Change Method

Siguradong puno ang iyong bulsa o bag ng mga baryang natatanggap bilang sukli sa mga pinamili mo. Imbis na hayaan lang itong pakalat-kalat, bakit hindi i-try ang no fail method ng pagkakaroon ng piggy bank o alkansya. Magugulat ka na kapag napuno na ang iyong alkansya ng mga barya, malaki-laking halaga na rin ang iyong naipon.

Hiwalay na Savings Account

Maliban sa bank account mo kung saan ka nagdedeposit ng pera na pang-gastusin, mainam din na magkaroon ng hiwalay na account para lamang sa iyong savings. Sa ganitong paraan, nadidisiplina kang hindi mag-withdraw sa savings account. Dito mo ide-deposit ang 20% ng iyong sweldo na nakalaan sa iyong ipon.

Ipon Buddy

Madaling tulong ang mayroon kang kasabay na mag-ipon o mag-invest. Pwede niyong maging inspiration ang isa’t isa lalo na kapag maraming temptations ng mga sale sa paligid. Madali ring magpalitan ng iba’t ibang ideas kung paano pa pwede mag-ipon.

Challenge talaga ang ma-develop ang habit ng pag-iipon. Lalo pa’t mas pinadali na ang pag-shopping sa tulong ng online shops. Hindi rin bumababa ang presyo ng mga bilihin kaya madaling mag-focus nalang sa pagkasya ng sweldo sa gastusin. Kaya naman importante sundin ang mga tips na ito base sa iyong financial status at mga pangagailangan. Ang simula ay ang interes sa pag-iipon, at ang magpapatagumpay sa’yo ay ang iyong disiplina!

FINANCE TIPS
PERSONAL FINANCE
SAVINGS