Goal ng karamihan, if not all, ang maging isang millionaire para ma-achieve ang financial stability. Although hindi ito madaling makamit, hindi rin ito imposible. The first step to making your millionaire dreams come true is by thinking like a millionaire. Sundan ang mga yapak ng self-made millionaires upang maging milyonaryo rin in the future.
Heto ang apat (4) na meron ang mga millionaires na dapat mo ring isama sa lifestyle o financial personality mo starting today!
1. Mag-focus sa Long Term Goals
Millionaires always think long term. Importante sa kanila na ang bawat desisyon na kanilang gagawin ay magkakaroon ng magandang impact sa kanilang finances sa future. Kaya kapag sila’y nag-se-set ng goals, kadalasan ang mga ito ay pang-matagalan. Isang example ay imbis na iniisip mo kung paano mababayaran ang monthly bills, ang mga milyonaryo ay mas focused sa kung paano nila madodoble ang kanilang income buwan-buwan.
Hindi problema sa kanila ang isantabi na muna ang temporary comfort para ma-achieve ang long-term financial freedom. Tandaan: ang difference sa millionaires at hindi millionaires ay haba ng pasensya. Laging piliin ang disciplined delayed gratification instead of instant gratification.
2. Huwag Matakot sa Change
Hindi ka namin masisisi kung may pag-aalinlangan ka pagdating sa mga pagbabago sa iyong buhay, lalo na kung involved na ang pera. Pero millionaire mindset sees change as an opportunity rather than a setback. Matutong ituring ang pagbabago bilang pagsubok para maging mas maingat o mas wais sa lahat ng financial moves na iyong gagawin. Mabuti man o masama ang change na dumating sa iyong buhay, kapag ikaw ay may lakas ng loob na harapin ito, mas malaki ang chance na maging beneficial ito sa iyong future.
Ang importanteng tandaan dito ay millionaires face changes with CONFIDENCE, hindi takot!
3. Magsimula Agad
Good things take time. Ganun din ang pagiging isang self-made millionaire. The key is to start as early as you can — ang perfect time para magsimula ay ngayon. Mag-open na ng sariling savings account at mag-commit sa pag-save ng percentage ng iyong income buwan-buwan. And as you move up the financial ladder, advisable ring magsimula nang mag-invest. Dahil the earlier you start, mas malaki at mabilis ang iyong growth.
Kapag na-develop mo na ang habit ng pag-save at pag-invest, may malaking epekto rin ito sa iyong financial mindset. Mas magiging maingat at wise ang iyong financial decisions as time goes by. Ang kailangan mo lamang ay ang DISIPLINA na mayroon ang self-made millionaires.
4. Panindigan ang Pagiging Millionaire
Dahil hindi naman nagiging millionaire overnight — maliban nalang kung isa ka sa mga maswerteng nananalo sa lotto — importanteng maging dedicated sa iyong goal. Kahit simulan mong gawin ang lahat ng steps to becoming a millionaire, kung hindi naman ito paninindigan ay mawawala rin ito na parang bula. At alam ito ng mga successful people. Kaya naman hindi talaga sila tumitigil sa pag-improve ng kanilang buhay.
Millionaires have the COMMITMENT to stay millionaires — karamihan nga ay kumakayod pa upang maging more than millionaires. If you are committed to becoming a millionaire, sisiguraduhin mong isasabuhay mo na talaga and millionaire mindset at hindi ka magpapatinag sa mga setbacks na mahaharap mo sa iyong journey.
Mahaba man ang proseso, pero kung ikaw ay may dedication sa apat na ito, matutupad mo ang iyong pangarap na maging milyonaryo — maybe even more! Kaya start today, start right now!